TIMBOG | Limang pinaghihinalaang tulak sa ipinagbabawal na gamot, arestado ng MPD sa Taguig City

Taguig City – Arestado ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Santa Ana Police Station ang limang personalidad na pinaghihinalaang pusher matapos na magsagawa ng buy bust operation sa Tomasa Street Barangay Ususan, Taguig City.

Nakilala ang mga suspek na sina Randell De Leon 23 anyos, Jon Eugene Placido 23 anyos Tom Jovy Cruz 27 anyos Chierro De Leon 26 anyos Mark Anthony Abrera 23 anyos residente Mariano Street Barangay Ususan, Taguig City.

Ayon kay Police Chief Inspector Jesus Respes ng Santa Ana Police Station ng MPD nakipag-ugnayan sila sa PDEA kaugnay sa kanilang isinagawang buy bust operation sa Taguig City dahil sa impormasyon na ang mga shabu na ibinebenta sa Santa Ana Manila ay galing sa Taguig City.


Nagpanggap na bibili ng shabu ang isang pulis at nang iaabot na ang mark money kay Randell De Leon na sinasabing pusher sa naturang lugar ay agad na dinakma ng mga pulis ang mga suspek na nakuhanan ng 10 plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga pinaghihinalaang pusher.

Facebook Comments