TIMBOG | Mag-ina, huli sa buy-bust operation sa Makati

40

Makati City – Arestado ang isang nanay at anak nitong lalaki na tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Makati City.

Nakumpiska sa mag-iina ang apat na sachet ng hinihinalang shabu at marked money.

Pero ayon sa mga suspek, walang katotohanan ang mga sinabi ng mga pulis.

Iginiit ng mga ito na na-frame up lamang sila at hindi galing sa kanila ang mga narekober na shabu.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

Facebook Comments