TIMBOG | No. 2 most wanted person ng MPD, arestado sa Mandaluyong

Manila, Philippines – Hawak na ng mga otoridad ang itinuturing na no. 2 most wanted personality ng Sta. Mesa Police na may kasong rape sa lungsod ng Maynila.

Kinilala ang suspek na si Roberto Baranda, alyas ‘Noy’, 66 anyos, at dating OFW.

Ayon kay Sta. Mesa Police Commander Police Superintendent Ruben Ramos, noong 2017 nangyari ang panghahalay ni Noy sa isang 16 anyos na babaeng kapitbahay nito.


Nasakote naman nila ang suspek sa ikinasang operasyon ng Intelligence & Subpoena Section ng MPD station 8 sa Kalentong, Mandaluyong.

Itinanggi naman ni Noy ang krimen at sinabing itinago lang niya ang dalagita dahil binubugbog ito ng kanyang magulang.

Inamin naman nitong dati na siyang nakulong sa kasong child abuse sa Bulacan noong 2016 kung saan isang taong gulang na bata ang kaniyang naging biktima.

Facebook Comments