UPDATE | Isang babae, patay matapos pagbabarilin sa Batasan Hills, Quezon City

Manila, Philippines – Namatay habang ginagamot ang isang babae matapos itong pagbabarilin sa Freedom Park, Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Kinilala ang biktimang si Rosanna Crisostomo alyas Osang, 40 taong gulang at isang labandera.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, pinagbabaril ang biktima habang naglalaba ito ang mga suspek na sakay ng isang puting l300 van na walang plaka.


Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang mga suspek habang isinugod naman ng anak ng biktima na si Renuel Miranda ang kanyang ina sa ospital.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong basyo at isang bala ng kalibre 45 baril.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa krimen, partikular ang motibo sa pamamaslang, maging ang pagkakakilanlan ng suspek.

Facebook Comments