Manila, Philippines – Arestado ang isang dating pulis matapos isilbi sa kaniya ang arrest warrant na ipinalabas ng Quezon City Trial Court. Napatunayang guilty si P02 Alfredo Mabutol Jr. sa kasong robbery noong June 14, 2016 . Dalawa hanggang walong taong pagkakabilanggo ang ibinabang hatol laban kay P02 Alfredo Mabutol Jr. Pinababalik din ng korte ang mga kinuha nito sa biktima na manahaling relo at mahigit 11,000 pesos. Hindi na nakapalag pa si Mabutol nang makuwelyuhan siya inuupahan nitong bahay sa Barangay Salvacion Laloma. Nasa top 1 din si Mabutol sa drugwatclist ng Laloma. Ayon kay QDPD Chief C/Supt Guillermo Eleazar, may grupo din ang nasabing dating pulis na nag-ooperate sa siyudad. Sa profile ni Mabutol, nagsimula ito sa PNP noong 1999 nagpalipat-lipat ng destino sa NCR, hanggang magsimulang mag-AWOL noong 2016 at tuluyan nang natanggal sa serbisyo noong 2017. Sa record ng PNP, lahat ng kasong hinawakan ni Mabutol ay nadi-dismiss dahil sa hindi nito pagsipot sa mga court hearing. Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad para masukol na rin ang iba pang kasamahan ng dating PNP member na nagtutulak umano ng droga sa bahagi ng Laloma Quezon City.
TIMBOG | Pulis na sangkot sa droga at robbery, arestado sa Quezon City
Facebook Comments