TIMBOG | Suki ng mga estudyante at call center agents sa marijuana, huli!

40

Makati – Arestado ang 25-anyos na lalaki dahil sa pagbebenta ng marijuana sa Barangay West Rembo, Makati.

Suki umano ng hindi pinangalanang suspek ang mga estudyante at call center agents sa Bonifacio Global City.

Nasabat sa kanya ang isang backpack na may lamang 18 pakete ng marijuana na nagkakahalaga ng P60,000.

Depensa naman ng suspek, pagmamay-ari talaga ng 19-anyos niyang kapatid ang mga marijuana.

Nabatid na kabilang sa drug watchlist ang suspek at dalawa nitong kapatid.

Facebook Comments