TIMBOG | Tatlo arestado matapos mahulihan ng mga pekeng LPG sa QC

Manila, Philippines – Kalaboso ang tatlong tao matapos mahuling nagbibiyahe ng mga pekeng produkto ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa Barangay Tatalon, Quezon City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Jayson Lachica, Elmer Venanciano at Allan Gardose na pawang residente ng Barangay Salapan, San Juan City.

Sa ulat, naharang ang tatlo sa E. Rodriguez Avenue makaraang magreklamo sa District Special Operations Unit (DSOU) ang isang kumpaniya na lehitimong nagbebenta ng LPG.


Agad nagsagawa ng operasyon ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek kung saan ibinabiyahe ang mga pekeng LPG, gamit ang isang hindi awtorisadong sasakyan.

Napag-alaman pa na ang mga naturang LPG ay iligal na nire-refill at mayroong pekeng selyo kaya at delikado ang mga itong gamitin.

Facebook Comments