Manila, Philippines – Halos tatlong linggo na nawala ang 14-anyos na si Reynaldo de Guzman pero hindi bababa sa 24 hours ang time of death nito o tagal nang pagkakababad nito sa isang sapa sa Gapan, Nueva Ecija.
Ito ang inisyal na pagtaya ng ng mga forensic experts ng Public Attorneys’ Office sa isinagawa nitong forensic analysis sa labi ni De Guzman.
Si De Guzman ay nagsimulang mawala noong August 10, siya ang tanging kasama noon ni Carl Arnaiz matapos silang kumain sa isang noodle shop sa Cainta, Rizal.
Pagkalipas ng sampung araw, natunton naman ang wala nang buhay na si Arnaiz sa isang funeral parlor sa Caloocan City.
Sinabi ni Dr. Erwin Erfe na kabilang sa mga nakita sa pagsusuri ay ang mga magang mata at ilong ni De Guzman at maraming saksak nito sa katawan.
Nauna nang nagsagawa ang National Bureau of Investigation ng autopsy sa labi ni De Guzman.