Timetable para sa vaccination program ng gobyerno, hindi maaantala

Kumpiyansa ang Malakanyang na masusunod pa rin ang timetable para sa pagbabakuna sa bansa.

Ito ay kahit pa sinabi na ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na may bahagyang pagka-antala sa pagdating ng mga bakuna mula sa COVAX Facility dahil sa ilang documentation procedures.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tuloy pa rin ang 50 milyon hanggang 70 milyong mga Pilipinong mababakunahan para sa 2021.


Naitaga na rin aniya sa bato na sa Pebrero 23 ay darating na ang bakuna mula sa China o ang Sinovac habang parating na rin naman ngayong Pebrero ang mga bakuna mula sa COVAX Facility.

Naniniwala si Roque na magsisimula ang pagbabakuna sa loob din ng buwang kasalukuyan.

Facebook Comments