Kinuwestyon ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor ang timing ng pagpuna ni Senator Franklin Drilon sa halaga ng ginastos ng pamahalaan sa pagpapagawa ng cauldron na gagamitin para sa hosting bansa sa 2019 SEA Games.
Sa isinasagawang NANKA Forum, Sinabi ni Defensor na napapahiya ngayon ang bansa lalo pa at nakatutok ngayon ang International Community kung papaano pinaghahandaan ng pamahalaan ang SEA Games.
Nanawagan si Defensor na huwag na sanang ilagay ng ilang mga opisyal sa kahihiyan ang bansa dahil sa kanilang pulitikal na interes.
Hindi naman kinontra ng Kongresista kung may mga kwestyon ang oposisyon sa pag-hahanda ng pamahalaan sa SEA Games dahil bahagi naman ito ng demokrasya pero sana raw ay ilagay ito sa lugar.
Nilinaw pa ni Defensor na nasa P42-M lamang ang buong ginastos sa pagpapagawa ng cauldron na di-hamak na mas mura sa budget ng Singapore na naglaan ng P62-M at Indonesia na naglaan din ng P85-M para sa pag-papagawa din ng cauldron.