
Duda si House Assistant Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre sa timing ng paghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., apat na araw bago ang mid-term elections.
Paalala ni Acidre, hindi kandidato si PBBM kaya palaisipan ang paghahain ng reklamong impeachment laban sa kaniya nina dating National Youth Commission Undersecretary Ronald Cardema at dating Congresswoman Marie Cardema ng Calamba City.
Dagdag pa ni Acidre, aabot na lang sa anim na araw ang session ng Kongreso sa Hunyo kaya walang sapat na oras para ito ay talakayin.
Samantala, hindi pa naglalabas ng pahayag si House Secretary General Reginald Velasco kung opisyal na ba niyang tinanggap ang inihaing impeachment complaint laban sa pangulo.









