Iba’t-ibang diskarte ang ginagawa ngayon ng mga kandidato para matandaan sila sa darating na eleksyon. Katulad nalang ng dalawang pulitiko na may kakaibang campaign paraphernalia ibinibigay.
Ibinahagi ni Facebook user Yap Khalled Asuncion ang larawan ng isang sabon at kulay asul na powder na konektado sa pangalan ng mga tumatakbo. Mababasa ang caption na: “Natutuwa ako sa mga councilor dito sa San Fernando Pampanga imbis na ano yung ipamigay nila sa kampanya ang pinamimigay nila ay sabon at tina na pwedeng panlaba. Nice one! Mga cabalen👏💦☀️”
Ang mga naghahangad maging konsehal ay sina Tina David Lagman at Ariel Carreon mula sa San Fernando, Pampanga.
Halo-halo ang naging reaksyon ng mga netizens sa litratong pinakita ng binata. Sa comment ni Patricia Miclat, mapapansing inugnay ni Lagman ang pangalan sa tinapay.
Para naman kay Facebook user Joevie Panuncia, mas mabuti pa raw ang nakabalot na butong itatanim kaysa sabon.
Muling paalala ng COMELEC, mas mainam pa din na magdala ng listahan ng inyong iboboto sa Mayo 13.