Manila, Philippines – Muling itinaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ang policy interest rate o ang tubo na ipinapataw sa mga umuutang sa kanila at nagpapautang sa kanila para makontrol ang patuloy na pagtaas ng inflation.
Ayon kay BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo, itinaas nila sa 50 basis points ang policy interest rate na pinakamataas na increase sa loob ng sampung taon.
Paliwanag ni Guinigundo, kapag itinaas ang interest rate mababawasan ang mga umuutang kaya mababawasan din ang perang hawak ng consumer na magreresulta sa mas babang inflation rate.
Kapag kasi aniya mas maraming pera ang nasa sirkulasyon nagreresulta ito sa mas mataas na consumption at kapag marami ang bumibili, tumaas rin ang presyo ng bilihin.
Mababatid na ito na ang ikalawang beses na itinaas ng BSP ang kanilang interest rate.
Inaasahan naman ng BSP na bababa na sa 3.7 percent ang inflation rate sa bansa sa susunod na taon at posibleng mas mababa pa pagsapit ng 2020.