TINADTAD NG BALA | Pulis-QC, niratrat ng uzi ni misis!

Manila, Philippines – Patay ang isang pulis-Quezon City matapos ratratin ng uzi ng sarili niyang misis.

Kahapon nang hapon nang mangyari ang insidente sa bahay mismo ng mag-asawa sa barangay Batasan.

Sa inisyal na report – mahimbing na natutulog si PO2 Angelo Capili nang bigla na lang siyang pagbabarilin ni Josan at halos naubos ang isang magazine ng uzi.


Pero matapos ang pamamaril, parang nawala sa sarili ang babae, nagsisigaw palabas ng bahay saka naglupasay sa kalye.

Ayon sa kanilang mga kapitbahay, madalas nilang marinig na nag-aaway ang dalawa.

Sinampahan na ng kasong parricide ang suspek.

Facebook Comments