TINAGA | 2 sa 3 suspek sa pananaga, arestado sa Taguig City

Taguig City – Naaresto na ng pulisya ang dalawang lalaki na sinasabing kabilang sa tatlong indibidwal na responsable sa pananaga sa isang drayber sa MLQ kanto ng Kentucky Street, Barangay Bambang, Taguig City.

Nakilala ang mga suspek na sina Bryan Carit at John Patrick Canlas habang nakatakas ang kasabwat nila na si Michael De Guzman.

Ayon sa pulisya, may pinag-aawayan ang mga suspek at ang biktimang si Reynaldo Jorquia Jr. hanggang sa bigla na lang nila itong pinagtulungang tagain.


Nagtamo ng mga tama ng taga sa ulo at kamay si Jorquia kaya’t agad itong isinugod sa Taguig-Pateros District Hospital upang malapatan ng lunas.

Hanggang sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa nasabing krimen.

Facebook Comments