TINAGA | 2 sawi matapos mauwi sa pananaga ang away-trapiko sa Pangasinan

Pangasinan – Patay ang dalawang katao matapos mauwi sa pananaga ang away-trapiko sa Bolinao, Pangasinan.

Nakilala ang mga namatay na sina Remark Gatchalian at Melgar Lagare.

Sa ulat, sakay ng tricycle ang mga biktima na minamaneho ni Renante Quebada kasama ang pang pasahero na sina Richard Gatchalian at Mark Anthony Dulay nang makasagutan ang driver ng truck na si Ramil De Vera at pahinanteng si Arman Capeña.


Nabatid kasi na hindi maayos ang pagkakaparada ng truck kaya at kinausap ito ni Quebada pero nauwi sa gulo ang insidente hanggang kumuha ng itak si Capeña saka pinagtataga ang mga biktima na dead on arrival sa ospital.

Sugatan din sa insidente si Richard at Mark Anthony kung saan nadakip din ang si De Vera at Capeña makaraang maabutan sila ng mga pulis matapos na tangkain tumakas.

Facebook Comments