HULI | Lalaki na number 10 high value target ng pulisya sa Laguna, arestado

Laguna – Arestado ang isang lalaki na number 10 high value target ng pulisya sa Barangay Sucol, Calamba City, Laguna.

Nakilala ang suspek na si Ambo Balagtas, 31-anyos na dati nang nahuli dahil sa iligal na droga.

Nadakip din ang apat na lalaki nang makasabay ng mga pulis matapos na makabili ng iligal na droga sa suspek.


Nakuha mula sa mga suspek ang walong pakete ng shabu na may bigat na 6.5 gramo at nagkakahalaga ng humigit kumulang P40,000.

Nakumpiska rin kay Balagtas ang mga drug paraphernalia, pera at dalawang cellphone na ginagamit nito sa transaksyon.

Facebook Comments