TINAGA | Babae, sugatan matapos pagtatagain ng pamangkin sa Albay

Albay – Sugatan ang isang babae matapos pagtatagain ng kaniyang pamangkin sa Barangay Villahermosa, Daraga, Albay.

Nakilala ang biktima na si Rowena Magdaong habang ang suspek na pamangkin nito ay si Jerson Magdaong.

Sa ulat, naglalaba ang biktima nang dumating ang suspek saka ito walang habas na pinagtataga sa ulo at likurang bahagi ng katawan.


Agad naman nadakip ang suspek habang kasalukuyang ginagamot sa ospital ang biktima kung saan nag-ugat ang krimen ng pagalitan ng tiyahin ang pamangkin sa hindi pa malamang dahilan.

Facebook Comments