Amerika – Bahagyang humina na ang hurricane Harvey na tinaguriang “Most Powerful Hurricane” na tumama sa US state ng Texas sa loob ng 50 taon.
Ayon sa US National Hurricane Center, mula sa category 3 ay nasa category 1 na ito at inaasahang bababa pa hanggang sa tropical storm.
Sa ngayon ay nasa 125 miles (201 km) southwest ng Houston na ang hurricane at kumikilos ng 6 mph (10 km per hour).
Sa pinakahuling pagtala, babalik ang sama ng panahon sa gulf ng Mexico coast at muling tutungo sa hilagang direksiyon.
Facebook Comments