Tinaguriang ‘ninja cop’ na si Lt. Col. Rodney Baloyo, nananatili pa rin sa NBP – BuCor

Kinumpirma ni Gabriel Chaclag, tagapagsalita ng Bureau of Corrections (BuCor) na nananatili pa rin sa National Bilibid Prison (NBP) ang isa sa mga ninja cop na si Lieutenant Colonel Rodney Baloyo.

Ito ay matapos ipag-utos ng San Fernado Regional Trial Court na ilipat si Baloy sa San Fernando City Jail at pagpayag ng Senado sa nasabing desisyon bilang humanitarian consideration at paggalang sa utos naturang RTC.

Ayon kay Chaclag, hinihintay nalang nila commitment order ni Baloyo mula sa blue ribbon committee ng Senado.


Dagdag pa niya, kung sakaling matanggap nila ang sulat ukol dito mula sa Senado, doon na nila anya sisimula nag pagproseso sa paglipat kay Baloyo sa San fernando City Jail.

Matatandaang noong 2019, si Baloyo ay na-contempt ng Senate Blue Ribbon Committee at ipinakulong sa NBP dahil sa pagsisinungaling sa gitna ng ginagawang imbestigasyon hinggil sa umano’y pagre-recycle ng ilegal na droga mula sa ginawang drug raid sa Mexico Pampanga noong 2013.

Facebook Comments