Tinaguriang ‘Poblacion Girl’ at 8 iba pa, kinasuhan sa Makati Court dahil sa paglabag sa hotel quarantine protocols

Sinampahan na ng kaso ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (PNP-CIDG-NCR) ang returning overseas Filipino (ROF) na si Gwyneth Chua matapos itong lumabag sa quarantine protocol.

Kasong paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Concern Act ang isinampa laban kay Chua.

Bukod sa tinaguriang ‘Poblacion Girl’, kinasuhan din ang mga magulang nito na sina Allan Chua at Gemma Chua, nobyong si Rico Atienza at 5 staff ng Berjaya Hotel.


Ayon sa CIDG-NCR, lumabas sa kanilang imbestigasyon na ang ama ni Chua ang sumundo dito sa Berjaya Makati Hotel ilang minuto matapos itong dumating sa bansa noong December 22.

Habang ang ina nito ang naghatid sa kanya pabalik ng hotel noong alas-9:00 ng gabi ng December 25.

Lumabas din sa CCTV footages na nagtungo si Chua sa Kampai Bar at sa Mijo Comfort Food nang tumakas ito sa hotel quarantine.

Kalaunan ay nagpositibo ito at 15 sa mga nakasama niya sa party ay nagpositibo rin sa COVID-19.

Facebook Comments