Independent filmmaker at batikang direktor, pumanaw sa edad na 46

495

Pumanaw na ang independent filmmaker, aktor, screenwriter, at award-winning music video director na si Sigfreid Barros-Sanchez.

Si Sanchez ay pumanaw sa edad na 46 dahil sa stroke, sakit sa bato, at iba pang komplikasyon nitong Lunes sa Philippine Heart Center.

Nakilala ang direktor sa kanyang mga pelikulang; Lasponggols; Anak ni Brocka; The Boat Between Two Rivers; at Ang Gitaristang hindi Marunong Magskala.


Maliban dito, nakamit din ng direktor ang Awit Award for Best Music Video para sa ‘”Hari ng Sablay” ng bandang Sugarfree.

Nagwagi rin ng Special Jury Prize for Social Change at Audience Choice Award ang kanyang pelikulang “‘Magtanggol” noong 2016 sa Italy at New York.

Facebook Comments