Cauayan City, Isabela-Pinasinayaan na ang tinaguriang 5ID Rice Terraces sa Socio-Economic Military Project Army Reservation (SEMPAR), Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela ngayong araw.
Ito ay bahagi ng ‘Bawat Kawal may Binubungkal’ program sa ilalim ng 5ID GREENSTAR.
Mas naging makabuluhan ang nasabing inagurasyon dahil sa Cordillera traditional rituals maging ang handog na baboy sa’Kabuniyan’ (God) kasabay ng pagdarasal para sa masaganang ani sa taun-taon.
Pinangunahan naman ni BGen. Laurence Mina, Commander ng 5ID kasama ang iba pang opisyal maging ang Enlisted Personnel ng Startroopers ang pagtatanim ng binhi ng palay.
Sa nararanasang sitwasyon dahil sa pandemya na malaking naapektuhan ang kabuhayan ng tao sa pang-araw-araw, ang pwersa ng kasundaluhan ay patuloy na sumusuporta sa mga programang pangkabuhayan para sa food security at self-sufficiency ng organisasyon.
Binigyang-diin naman ng pinuno ng 5ID ang kahalagahan ng agricultural livelihood programs sa napapanahong hamon sa harap ng pandemya.
Nagpasalamat din ito sa Department of Agriculture (DA) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Region 2 bilang partner agencies sa peace and socio-economic development sa buong rehiyon.