Tinaguriang top carnapper ng QC, arestado ng PNP-HPG!

Himas rehas na ngayon ang No. 1 most wanted carnapper sa Quezon City na si alias Fatima Grace.

Ito’y matapos ang matagumpay na operasyon ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) kahapon March 21, 2025.

Ayon kay kay HPG Director PBGen Eleazar Matta ang babaeng suspek ay nahuli ng Regional Highway Patrol Unit 11 alinsunod sa Warrant of Arrest na inilabas ng RTC 11, Branch 30, Tagum City.


Sinabi ni Matta na isinagawa ang operasyon sa ilalim ng case operational plan na tinaguriang “SANAMA.”
Binansagang top carnapper ang suspek dahil narin sa dami ng carnapping incident na kinasasangkutan nito.

Sa ngayon, nananatili sa kustodiya ng Special Operations Division ang suspek para sa documentation at legal processing habang inihahanda narin ang kasong carnapping laban sa naarestong suspek.

Facebook Comments