Tinaguriang ‘World’s Most Powerful Telescope,’ lumipad na sa Outer Space

Pinalipad na papunta sa kalawakan ang tinaguriang world’’s most powerful space telescope kahapon.

Ito ay matapos lumabas na ng planeta ang James Webb Space Telescope sa pamamagitan ng Ariane 5 rocket sa Kourou Space Centre sa French Guiana.

Ang naturang telescope ay binuo sa loob ng tatlong dekada at pinondohan ng bilyon-bilyong dolyar.


Inaasahang mararating ng James Webb Space Telescope ang destinasyon nitong may layong 1.5 milyong kilometro sa loob ng isang buwan.

Umaasa ang mga siyentipiko na magbibigay ang telescope ng bagong kaalaman kaugnay sa pinagmulan ng Universe at makadiskubre ng mala-Earth na planeta sa labas ng ating solar system.

Facebook Comments