TINAKOT | Dalagitang gustong maging model, muntik magahasa ng nagpakilalang talent manager; Suspek, kulong

Quezon City – Babala sa mga magulang dahil isang menor de edad na babae ang muntik nang marape ng isang nag pakilalang talent manager sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Jonathan Ygot, 24-anyos, residente Barangay Cupang, Muntinlupa City.

Diskarte ng suspek, kinumbinsi niya ang dalagita na mag-send ng hubot hubad na larawan sa Facebook messenger para makita at marekomenda na maging model.


Dahil bata pa o menor de edad ang biktima nauto siya ng suspek at napapayag.

Para hindi ikalat ang mga hubad na larawan gustong makipagtalik ng suspek sa 17 taong gulang na dalagita.

Dito na nag asaklolo ang biktima kasama ang kanyang magulang sa QCPD District Special Operation Unit.

Sa entrapment operation sa isang motel na matatagpuan sa North Ave. hindi na nakapalag pa ang suspek ng abutang nagche-check in sa hotel kasama ang menor de edad.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Kampo Karingal at aminado sa nagawang krimen.

Sasampahan siya ng kasong paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 in relation to Child Abuse Law.

Facebook Comments