Tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo, pumalo na sa mahigit 8.6 million

Sumampa na sa mahigit 8.6 million ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa datos ng John Hopkins University, nasa kabuuang 8,663,270 million ang kaso ng nasabing sakit kung saan nangunguna pa rin ang U.S. na may mahigit 2.2 million cases.

Maliban dito, aabot naman sa 460,012 ang mga namatay sa nasabing sakit kung saan patuloy na nangunguna ang Estados Unidos na may 119,112 deaths.


Sa kabilang banda, nadagdagan naman ang recoveries ng COVID-19 sa buong mundo kung saan nasa kabuuang 4,245,817 million na ito sa kasalukuyan.

Facebook Comments