Volleyball icon na si Alyssa Valdez, kinilala ng isang Olympic website

Kinilala ng Olympic movement ang pagsikat at impluwensiya sa Philippine volleyball nang tinaguriang Filipina volleyball icon na si Alyssa Valdez.

Binigyang pagkilala sa pamamagitan ng isang artikulo na inilabas sa Olympic channel website ang naging kontribusyon ni Alyssa upang makilala ang volleyball at magkaroon ng international recognition ang Pilipinas.

Sa artikulong inilabas, sinasabi rito kung paano nagkaroon ng celebrity status si Alyssa sa bansa dahil sa sports.


Bukod sa paglago ng volleyball career, naitala rin sa artikulo ang buhay ni Alyssa sa labas ng volleyball court.

Facebook Comments