Manila, Philippines – Patay ang isang babae matapos pagbabarilin sa Delgado Street sa Port Area, Maynila.
Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), pinagbabaril ng mga suspek nasakay ng motorsiklo ang biktimang si Maura Ramos, 51-anyos.
Nabatid na nakaupo lang ang biktima habang binabantayan ang isang puwesto ng notaryo nang lapitan at tadtarin ng bala ng mga suspek.
Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente para malaman kung ano ang motibo sa pamamaril.
Facebook Comments