TINAMBANGAN | Barangay chairman, patay sa pamamaril sa Pasay

Pasay City – Patay ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin sa Barangay 28, Pasay City.

Sa ulat, nakaupo lang sa barangay outpost ang 47-anyos na biktimang si Jovie Decena nang dumaan ang riding-in-tandem saka siya pinaputukan.

Naisugod pa sa Pasay General Hospital ang biktima pero hindi na siya umabot nang buhay.


Tinutugis na ng pulisya ang mga nakatakas na suspek habang inaalam na rin nila ang posibleng motibo sa krimen.

Facebook Comments