Dalawang Katao Sinunog ng Buhay sa Maconacon Isabela!

Maconacon, Isabela – Muntik nang matusta ng buhay ang dalawang katao matapos silaban ng isang miyembro ng indigenous people (dumagat) sa bayan ng Maconacon, Isabela kaninang alas otso ng umaga.

Sa paunang impormasyong nakalap ng RMN Cauayan sa PNP Maconacon, nasa impluwensya ng nakakalasing na alak ang mga biktima na sina Fernando Sesuca ng Barangay Dicatian, Divilacan, Isabela at Acorda Cortez ng Brgy. Dicaroyan Divilacan, Isabela, pawang mga nasa tamang edad, samantala ang suspek ay kinilalang si Renato Castillejo ng Barangay Malasin, Maconacon, Isabela.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, lasing ang dalawa at nanggulo sa ilang residente sa nasabing bayan kung saan isa sa mga dumagat ay kumuha ng gasolina at isinaboy sa dalawang biktima.


Nagliyab kaagad ang dalawa na ikinagulat naman ng mga residente at tumawag agad ng bumbero at kapulisan upang respondehan ang nasabing pangyayari.

Isinugod naman sa Rural Health Unit ang dalawang biktima at kusang sumuko sa PNP ang suspek.

Kasalukuyan parin ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP Maconacon sa naturang pangyayari.

Facebook Comments