TINAMBANGAN | Chairman ng senior citizens affairs ng Cainta, patay sa pamamaril

Cainta, Rizal – Patay ang isang Chairman ng Office of the Senior Citizens Affairs ng Cainta, Rizal matapos pagbabarilin kagabi.

Sa ulat, tinambangan ng mga lalaking sakay ng motorsiklo ang biktima na si Carlos Sale, 62-anyos sa Barangay Santo Domingo.

Galing si Sale sa isang Valentine’s Day party at naghihintay ng jeep na masasakyan pauwi nang mangyari ang pamamaril.


Sinisilip ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa trabaho ang naganap na pamamaslang sa biktima.

Facebook Comments