TINAMBANGAN | Isang pulis, patay habang kasama nito sugatan matapos pagbabarilin sa Malabon

Malabon City – Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin sa Don Basilio Bautista Boulevard sa Dampalit, Malabon City.

Nakilala ang biktima na si SPO2 Rodolfo Cruz Jr., na nakatalaga sa Manila Police District (MPD) habang nakaligtas naman sa insidente ang kasama nito sa sasakyan na si retired Police SPO1 Elmer Barola.

Sa ulat, tinambangan ang dalawa habang nasa parking area ng isang sabungan kung saan papaalis na sana sila nang biglang lumapit ang nag-iisang gunman na may suot na bull cap, itim na sando at backpack at saka sila pinaputukan ng ilang beses.


Mabilis naman tumakas ang suspek sakay ng isang motorsiklo.

Sa ngayon, sinusuri na ang mga CCTV sa lugar upang malaman ang pagkakakilanlan ng salarin at inaalam pa rin ang motibo sa krimen.

Facebook Comments