TINAMBANGAN | Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Payatas, QC

55

Quezon City – Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Sampaguita Street, Barangay Payatas sa Quezon City.

Sa ulat, inabutan pa ng mga otoridad na nakadapa ang hindi pa nakikilalang biktima sa kalsada at wala ng buhay.

Kwento ng mga residente, dalawang putok ng baril ang kanilang narinig at nang lumabas sila ng bahay ay dito na nila nakitang duguan ang biktima.

Nakita pa ng ilan na naglalakad ang biktima ng hintuan ng lalaking nakasakay sa motorsiklo at dito na siya pinagbabaril hanggang sa mapatay.

Sa ngayon, inaalam pa ang motibo sa krimen at kung sino ang nasa likod ng pagpatay.

Facebook Comments