TINAMBANGAN | Municipal councilor, patay sa pananambang sa Sasmuan, Pampanga

152

Sasmuan, Pampanga – Patay ang isang municipal councilor makaraang pagbabarilin ito ng riding in tandem suspects sa bayan ng Sasmuan, Pampanga.

Sa inisyal na ulat kinilala ang biktima na si Sasmuan Municipal Councilor Jesus Angeles alyas konsehal Balas na pinagbabaril habang nagja-jogging ganap na 7:30 ng umaga kanina.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang krimen.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad.

Ang naturang pinatay na konsehal ay nauna nang nagpahayag ng intensyon na tumakbo bilang bise alkalde ng nabanggit na bayan.

Facebook Comments