WALANG FOREVER | Mga tagasuporta ng mag-asawang Sarmenta at Bautista, ikinalungkot ang paghihiwalay ng dalawa

Manila, Philippines – Ikinalungkot ng mga ‘That’s Entertainment’ fans ang hiwalayang Romnick Sarmenta at Harlene Bautista, matapos ang halos dalawang dekadang tahimik na pamumuhay ng dalawa.

Bumuhos ang panghihinayang ng mga netizen sa social media matapos maglabas ng joint statement ang dalawa kung saan inanunyso nila ang desisyong maghiwalay matapos ang 19 years nilang pagsasama.

Bagama’t hindi nagbigay ng malinaw na dahilan ang dalawa, humingi naman sila ng privacy alang–alang sa kanilang mga anak.


Nagpasalamat rin sila sa kanilang mga taga suporta at sinabing mananatili silang magkaibigan.

Si Sarmenta at Bautista ay tatlong beses na ikinasal. Una ay noong 1990 sa isang civil ceremony, taong 2000 nang ikasal sa simbahan at 2002 ang kanilang renewal of vows.

Facebook Comments