TINAMBANGAN | Negosyante, patay matapos pagbabarilin sa Tondo, Maynila

Manila, Philippines – Namatay na ang negosyanteng Tsinoy na tinambangan ng riding in tandem sa Pier 18, Road 10 sa Tondo, Maynila.

Walong oras din ginamot sa Tondo Medical Center ang 46-anyos na biktima na si Juan Miguel Tan kung saan pinagbabaril ito habang nasa loob ng kaniyang kotse na may conduction sticker na A4-X299 pasado alas-8:00 ng umaga kahapon.

Pasado alas-4:00 ng hapon ng bawian ng buhay si Tan dahil sa apat na tama ng bala sa katawan.


Hindi pa naman malaman ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek maging ang motibo ng mga ito sa krimen.

Facebook Comments