TINAMBANGAN | Opisyal ng BuCor, patay sa pamamaril sa Muntinlupa

88

Muntinlupa City – Patay ang isang tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Muntinlupa City.

Kinilala ang biktima na si Chief Inspector Angelito Padilla na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo.

Ayon kay Senior Superintendent Gerardo Umayao, hepe ng Muntinlupa City Police, galing ang biktima sa National Bilibid Prison (NBP) at papunta sana sa national road sakay ng kaniyang kotse.

Pagdating nito sa palengke ng Poblacion ay dumating ang riding-in-tandem at pinagbabaril ang biktima saka mabilis na tumakas.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero binawian rin ng buhay makalipas ang ilang oras.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek maging ang motibo sa pamamaslang.

Facebook Comments