TIMBOG | Babaeng nagsanla ng pekeng titulo, huli!

22

Kalaboso ang isang babae na nagsasanla ng pekeng titulo.

Kinilala ang suspek na si Margie Ducusin na nahaharap sa kasong estafa.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group anti-fraud and Commercial Crimes Unit (CIDG-AFCCD) anti-financial fraud section Chief Senior Inspector Leo Cajipe, modus ng suspek na murang isasanla ang isang titulo na peke pala.

Kwento ng biktima, isinala ng suspek ang titulo sa halagang P100,000 at nanghingi pa ito ng dagdag na P200,000 at P50,000.

Pero isang beses lang aniya siya binayaran ng suspek at hindi na nagkita.

Nagpalala naman ang mga awtoridad sa publiko na iberipika muna ang anumang dokumento hawak nila bago pumasok sa negosasyon.

Facebook Comments