TINANGGAL | Hepe at 36 na tauhan ng Las Pinas City Police-SDEU, sinibak ni Eleazar

Manila, Philippines – Sinibak sa pwesto ni NCRPO Director C/ Supt. Guillermo Eleazar ang lahat ng tauhan ng station drug enforcement unit ng Las Piñas City Police.

Ito ay matapos na masangkot sa robbery-extortion ang apat sa mga tauhan nito.

Nangyari ang insidente ng pangingikil sa Cavite kung saan nag-demand ng pera ang mga pulis kapalit ng kalayaan ng isang drug suspect.


Nauna nang nagkasa ng entrapment operation ang mga tauhan ng Southern Police District pero bigong maaresto ang apat na pulis.

Sa halip, isang 13-anyos na estudyante ang nahuli sa operasyon na tumukoy sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Kasama ring sinibak ni Eleazar ang hepe nito na si Senior Supt. Marion Balonglong.

Nasa kustodiya naman ng district personnel administration holding section ng SPD ang 36 nitong tauhan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Facebook Comments