TINANGGAL! | Mga tauhan at opisyal ng lapinig MPS, sinibak ni PNP Chief Albayalde

Manila, Philippines – Sinibak sa pwesto ni PNP Chief Police Director Oscar Albayalde ang lahat tauhan ng Lapinig Municipal Police Station in Northern Samar at kanilang immediate superior officers.

Kasunod ito ng pagsalakay ng isang daang miyembro ng New Peoples Army sa nasabing police station kung saan nakuha ang 13 mga baril.

Ayon kay Albayalde, sinibak ang mga ito habang iniimbestigahan pa ang nangyaring pagsalakay ng mga NPA kaninang alas dos ng madaling araw.


Kabilang sa sinibak sina Lapinig Chief of Police, Inspector Noli Montebon, Chief Inspector Juan Byron Leogo ang commander ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company, at SSUPT Romeo Campomanes ang Northern Samar PNP Provincial Director,

habang inirekomenda rin ni Albayalde sa PNP oversight committee na masibak sa pwesto si PNP REGION 8 Regional Director Police Chief Superintendent Mariel habang iniimbestigahan ang pangyayari.

Facebook Comments