Manila, Philippines – Kinumpirma ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na inalis ng Malacañang sa listahan ng mga gagawaran ng national artist awards ang premyadong aktres na si Nora Aunor.
Ayon kay NCCA Chair Virgilio Almario – awtomatikong kasama si Aunor sa listahan matapos hindi isama sa nakaraang Aquino administration.
Dagdag pa ni Almario – mayroong honors body ang nabibigay ng payo sa Pangulo.
Aminado rin ang NCCA official na ang isyu ng ilegal na droga na kinasangkutan ng aktres ay isa sa posibleng dahilan kung bakit hindi siya naisama sa nakaraang proklamasyon.
Pero hindi naman batid ni Almario kung bakit hindi kasama ngayon si Aunor.
Plano ng NCCA na makipag-usap kay Aunor kung gusto pa rin nito na maging nominado lalo at ito ang unang pagkakataon na ang nominee ay tinanggal mula sa listahan ng dalawang pangulo.
Naniniwala rin ang NCCA na dapat isantabi ang personal issues sa pagdedesisyon sa pagpoproklama ng isang national artist.