TINANGGAL | Pre-budget requirement para sa pagbibigay ng pondo para sa Bangsamoro, inalis na rin sa Bicam Committee

Manila, Philippines – Tinanggal na ng Bicameral Conference Committee ang probisyon para sa pre-budget release requirement o ang pagsusumite ng mga plano at programa sa Bangsamoro bago ibigay ng national government sa rehiyon ang block grant o share sa national internal revenue.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, mananatili pa rin ang transparency at accountability measures upang matiyak ang wastong paggastos ng Bangsamoro region ng kanilang pondo.

Inoobliga pa rin naman aniya ang Bangsamoro government na magsumite ng mga dokumento para sa pagsusuri naman ng Department of Budget and Management, ang Department of Finance, at Commission on Audit.


Nabatid na 5% na block grant, o nasa humigit kumulang P59 billion, na isinusulong sa Bangsamoro Basic Law (BBL) ay otomatikong ibibigay sa Bangsamoro government.

Naniniwala si Zubiri na ang pagtatanggal ng bicam sa pre-budget release requirement ay mapoprotektahan ang Bangsamoro region sa anumang posibilidad na wala itong magalaw na pera sa social welfare at development activities.

Facebook Comments