TINANGGAL | Provisional coverage ni Janet Lim Napoles sa Witness Protection Program, inalis na ng DOJ

Manila, Philippines – Inalis na ng Dept of Justice ang provisional coverage sa Witness Protection Program ni pork barrel scam queen Janet Lim Napoles

Ayon kay Justice sec Menardo Guevarra, wala silang nakikitang banta sa buhay ni Napoles sa kustodiya ng Camp Bagong Diwa sa Taguig kaya wala ng rason para palawigin pa ang kanyang provisional coverage

Una nang hiniling ni Napoles na mailipat siya sa isang safe house mula sa Camp Bagong Diwa dahil sa banta raw sa kanyang seguridad.


Una nang binasura ng Sandiganbayan First, Third at Fifth Divisions ang Urgent Motion for Transfer of Custody na inihain ni Napoles.

Facebook Comments