TINANGGAP | Incoming BOC Commissioner Rey Guerrero, tanggap ng ilang mga opisyal ng BOC

56

Manila, Philippines – Tanggap ng ilang mga opisyal ng Bureau of Customs ang mga military partikular kay In-Coming Commissioner Rey Guerrero bilang bagong hepe ng BOC.

Sa ginanap na forum sa Balitaan sa Maynila sinabi ni BOC Deputy Colector for Passengers Concern Atty. Lourdes Mangaong na Optimistic siya at sa tingin nito ay Qualified na Qualified umano si si In Coming Customs Commissioner Rey Guerrero bilang hepe ng naturang ahensiya.

Paliwanag ni Atty. Mangaong, walang problema kung sa Deputy Commissioner for Intelligence at Deputy For Enforcement itatalaga ang mga military na itatalaga ng pangulo dahil yon naman umano ang kanilang expertise pero kapag sa Assessment na aniya ipwesto ang mga ito ay dapat galing sa loob ng BOC at abogado ang dapat itatalaga dahil kabisadong kabisado nila ang kanilang trabaho.

Umaasa si Atty. Mangaong na ikukunsidera ng pangulo ang kanyang mungjahi na dapat hindi lahat ay mga military ang itatalaga sa BOC.

Facebook Comments