Manila, Philippines – Hindi na pagbibigyan ng Human Rights Victims’ Claims Board o HRVCB ang mga claimant na biktima ng Martial Law na magbabalak umapela para mabayaran ng danyos o bayad pinsala.
Sabi ni Human Rights Victims’ Claims Board Chairperson Lina Sarmiento, hanggang ngayong araw na lamang (May 11) ang kanilang trabaho at madi- dissolve na ang kanilang tanggapan.
Aniya, nasa 11,103 ang kabuuang bilang ng mga makakatanggap ng kompensasyon mula sa mahigit 70,000 claimants na nag-apply sa kanila.
Paghahati-hatian aniya ng mga ito ang 10 bilyong piso na narekober ng gobyerno ng Pilipinas mula sa secret swiss bank deposits ng yumaong si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Facebook Comments