TINANGGIHAN | Senador Sotto at Escudero, tumangging umaksyon laban sa Quo Warranto petition kay CJ Sereno

Manila, Philippines – Hindi tutugon sina Senate Majority Leader Tito Sotto III at Senator Francis Escudero sa hiling ng Coalition for Justice o CFJ na magpasa ng resolusyon ang Senado bilang panawagan sa Supreme Court.

Ito ay para suspendehin ang proseso kaugnay sa Quo Warranto petition kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Paliwanag ni Senator Sotto, malinaw ang itinatakda ng konstitusyon na may umiiral na separation of powers sa pagitan ng lehislatura at hudikatura.


Ayon kay Sotto, hindi nila maaring pakialaman ang trabaho ng Supreme Court kung saan hindi rin maaring makailam sa trabaho ng Senado ang kataas taasahang hukuman.

Katwiran naman ni Senator Escudero, walang impeachment trial na kailangang ipaglaban ang Senado dahil hindi pa naman iniaakyat sa kanila ng kamara ang impeachment case laban kay Sereno.

Facebook Comments