TINANINGAN | Kontrata ng solid waste collection services ng Maynila na IPM, nanganganib makansela

Manila, Philippines – Binigyan na ng taning ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ang solid waste collection services nito na IPM Holdings Inc.

Kasunod ito ng mga reklamong natatanggap ng city government hinggil sa mga basurang hindi nakokolekta sa lungsod.

Sa interview ng DZXL 558 kay City Administrator Jojo Alcomendaz – aniya, maaari nilang kanselahin ang kontrata sa IPM kung patuloy silang makakatanggap ng reklamong marumi ang Maynila.


Ayon pa kay Alcomendaz, nakausap na rin nila ang IPM hinggil dito na nangako namang aayusin ang problema.

Inatasan naman aniya ni Mayor Joseph Estrada ang Department of Public Services na i-monitor ang mga truck na naghahakot ng basura.

Maglalaan rin ang lokal na pamahalaan ng P38 milyon pambili ng anim na dump truck at P45 milyon naman para sa pagtatalaga ng 1,000 street sweepers sa mga barangay sa lungsod.

Facebook Comments