TINAPOS NA | Pagtalakay sa panukalang BBL, tinapos na ng bicameral conference committee

Manila, Philippines – Tinapos na ng bicameral conference committee ang pagtalakay sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sabi ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas, natapos na nilang lahat “in principle” ang talakayan sa BBL.

Aniya, binigyan silang dalawa ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ng kapangyarihan ng bicam para tapusin ang report.


Dagdag pa nito, sa July 17 ay muli silang magkikita para aprubahan ang report at maisumite kay Pangulong Rodrigo Duterte para pag-aralan.

Kapag inaprubahan na ito ng Pangulo, nakatakdang ratipikahan ang BBL sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa July 23.

At kapag naratipikahan na ng Kongreso ang BBL bill ay lalagdaan na ito ng Pangulo para maging ganap na batas bago ang kaniyang SONA sa July 23.

Facebook Comments