JK Labajo, tinapos na ang paghahanap sa German National na tatay

237

Tinatapos na ni JK Labajo ang ilang taong paghahanap niya sa kaniyang biological father.

Nabatid simula noong ipinanganak si JK ay hindi na nito nakita ang amang nagngangalang Oliver Stolz, isang German National, kaya ganun na lang noon ang kagustuhan nitong makita ang ama.


Pero sa instagram post ng 19-year-old singer, inilahad ni JK na nakahanap siya ng paraan upang magkaroon ng komunikasyon sa ama, pero mukhang wala daw intensiyon na kausapin siya nito.

Ang nalaman daw niya ay nakatira ang ama sa Munich, Germany kaya kinontak niya, pero blinack lang sya nito.

Mensahe ni JK sa ama, napaganda ang buhay at mukhang hindi gusto ng kaniyang tatay na maging parte sya nito.

Sa huli, nagpasalamat si JK sa lahat ng tumulong sa paghahanap niya sa kanyang biological father.

Nabatid na 2013 ng nasawi ang ina ni JK sa sakit na cancer.




Facebook Comments